Sunday, May 15, 2011

Simon Atkins meets with Kim Chiu's fans but not Kim herself


Simon Atkins meets with Kim Chiu


  "Torpe naman talaga ako, e, pero alam ko namang mabait si Kim at masyadong masayahing tao," admits Simon Atkins (right), a basketball player who wants to meet personally with Kim Chiu (left).
Simon Atkins meets with Kim Chiu's fans but not Kim herself
Allan Sancon

Naging daan ang Twitter para magkausap sina Simon Atkins, isang varsity basketball player ng De La Salle University, at ang ABS-CBN star na si Kim Chiu. Noong February 16, inamin ni Kim na "flattered" siya sa ginawang pagpaparadam ni Simon sa pamamagitan ng naturang micro-blogging site. to read related article.)

Noong Sabado, April 9, sa taped interview ng Entertainment Live, nagsalita sina Kim at Simon at sinabing hanggang ngayon daw ay hindi pa rin sila nagkikita nang personal.

"Hindi pa naman kami personally magkakilala talaga, until now," sabi ni Kim. "Tingnan natin! Tingnan natin! Hindi naman ako nagsasara ng kahit ano."

Tanong naman kay Simon kung nagkita na ba sila ni Kim personally?

"Wala pa talaga, kasi nga busy kami pareho," sagot ng basketball player. "Kasi malapit na yung season ko. Tapos, madami daw siya show at taping. Kaya wala pa kaming time pareho. Saka, aalis daw yata siya this Saturday [April 9] for her U.S. tour kasama yung ibang Star Magic Artists. So, wala talagang time."

Hindi pa man daw natutuloy ang date ng dalawa, inamin naman ni Simon na madalas daw silang mag-usap ni Kim. 'Tsaka bago raw siya nagpa-interview sa E-Live ay nagpaalam muna siya kay Kim.

"Ipinaalam ko lang. Actually, bago ako bumaba para magpa-interview, nagpaalam muna ako sa kanya kasi naapektuhan na daw buhay niya sa ginawa ko.

"Sabihin ko daw sa kanya kung ano nangyayari at kung ano yung sasabihin ko. Pero di pa talaga kami nagkikita, usap-usap pa lang. Minsan nagpaplano na ako i-meet siya, kaso busy lang talaga masyado," sabi niya.

So, natotorpe ba siyang ligawan si Kim?

"Torpe naman talaga ako, e, pero alam ko namang mabait si Kim at masyadong masayahing tao," sagot ni Simon.

Ano naman ang lagay ni Kim sa buhay niya?

"Well, right now naman, we're just talking pa lang, hindi pa kami nagmi-meet personally."

Kahit nagsisimula pa lang na maging close sina Kim at Simon dahil sa kanilang pag-uusap ay agad nang may nabuong fans club ang kanilang tandem: ang "KiMon" at ang "ChuKitz."

At ang mga fans naman ni Kim ay tila boto raw kay Simon.

"Actually, last Saturday, yung friend ko, parang meron siyang mall tour sa SM North The Block, tapos nakita ko andun yung mga fans ni Kim, dumaan sila. Parang curious lang ako. Gusto ko lang ma-meet yung mga fans ni Kim. So, nilapitan ko sila. Okay naman sila, tapos binigyan pa nila ako ng gift," kuwento ni Simon.

Ano naman kaya ang reaksiyon ng mga fans ni Kim sa panliligaw na ito ni Simon kay Kim?

Through a text message ito ang sagot ng moderator ng KimWorld na si Donna Cortez, "Open kami kahit sino, basta masaya si Kimmy, support lang kami... Then pabor naman ang KimWorld kay Simon, pero siyempre si Kimmy naman ang magde-decide niyan at hindi kami. Alam ni Kimmy na thru thick and thin na nandito kami lagi for her."


No comments:

Post a Comment