Sunday, May 15, 2011

Piolo Pascual reveals relationship with KC Concepcion became harder after their admission - Push.com.ph

Piolo Pascual reveals relationship with KC Concepcion became harder after their admission - Push.com.ph

5/15/2011 9:05 PM

by: Bernie Franco

051611-piolo-main.jpgSa gitna ng kabi-kabilang intriga na ipinupukol sa relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion, sinabi ng aktor na mahirap ang kanyang sitwasyon dahil hindi niya alam kung saan siya lulugar ngayong alam na ng publiko ang kanilang relasyon. Kapag nagsasalita kasi ang aktor, sinasabing showbiz lang ang relasyon nila at marami rin ang nagre-react kapag hindi siya tumatahimik at si KC ang nagsasalita. “It’s harder after we admitted (it). There were still a lot of skeptics, pero maraming natuwa.When we started opening up (others) were saying, ‘What happened? Before you were keeping your relationship (a secret) now it’s out in the open, (and) you started talking about it!’ So parang in a sensehindi mo alam kung saan mo ilalagay ang sarili mo.

Nilinaw rin ng aktor ang mga bali-balitang napapagod na siya sa relasyon nila ni KC. Bagkus, masaya raw siya sa takbo ng nangyayari sa kanila. “I’m happy with the way things are, hindi naman ako papasok sa isang relationship kung sa tingin ko, hindi ito pangmatagalan. We only hope for the best.”

Pagdating naman sa usapang kasal, hindi naman sinabi ni Piolo kung kailan siya lalagay sa tahimik pero umaasa raw siya na sana nga ay si KC na ito. Gayunpaman, sinabi niya na darating din ang tamang pagkakataon upang magpakasal na siya. “It’ll come at the right time. Hindi pa pinangungunahan ‘yan, eh. Ako,when it happens, it happens, darating ‘yan sa panahon sa buhay natin. I’m looking forward to it for sure.”



http://www.push.com.ph/features/3273/piolo-pascual-reveals-relationship-with-kc-concepcion-became-harder-after-their-admission/

No comments:

Post a Comment